‘Red Monday’ protest sa SC nakakasa na

MULING magsasagawa ng kilos-protesta ang mga taga-suporta ni Supereme Court Chief Justice Renato Corona kabilang ang mga empleyado at huwes ng korte mamayang hapon sa mismong compound ng SC sa Padre Faura, Maynila.

Kung dati ay kulay itim ang kanilang isinusuot, mamaya ay kulay pula naman bilang simbolo ng pagpapakita ng tapang at suporta sa laban ni Corona upang magkaroon ng judicial independence sa nagaganap na impeachment trial.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon mamaya ay magtitipun-tipon ang mga miyembro ng Solidarity 4 Sovereignty, Supreme Court Employees Association (SCEA) at mga hukom para magdasal upang depensahan umano ang mga atake sa kanilang institusyon ng tinagurian nilang lider na isang “de facto dictator.”

Nilinaw naman ni SCEA president Jojo Guerero na hindi maaapektuhan ang kanilang trabaho na magserbisyo sa publiko dahil tatapusin ang oras ng trabaho bago sila magsimula ng programa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply