Reforestation ikakasa ng DENR at ARMM

ILANG linggo matapos ang pananalasa ng matinding pagbaha bunsod ng bagyong “Sendong” sa Cagayan de Oro at Iligan City, lumagda sa kasunduan sina Environment and Natural Resources Secretary Ramon J. P. Paje at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv S. Hataman, sa isang reforestation program sa nabanggit na rehiyon Miyerkules ng umaga.

Inaasahang may 2,500 ektarya ng nakalbong kagubatan ang isasailalim sa National Greening Program (NGP) na pangunahing proyekto ng pamahalaan laban sa pagsawata sa negatibong epekto ng global warming at climate change.

Nangako rin si Paje na magbibigay ng P49.6 milyon upang matulungan ang lokal na pamahalaan ng ARMM na makapagsagawa ng malawakang pagtatanim ng puno sa limang probinsiya na kinabibilangan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-tawi.

“This collaboration sets a critical milestone in ecological governance for the region and bodes well for addressing the social and economic challenges which the region undoubtedly faces,” ayon kay Paje nang isagawa ang seremonya ng paglalagda sa kasunduan.

Idinagdag pa ng kalihim, na ang pagtutulungan ng DENR at ARMM sa pagpapatupad ng NGP ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III.

“The fuel that powers ARMM’s economic engine is resource-based and we in the national government will assist our brothers and sisters in ARMM in the resource management of the region,” anang kalihim.

Aniya, magpapadala siya ng ilang matataas na opisyal ng DENR sa naturang rehiyon para direktang makita ng ahensiya kung papaanong pinangangalagaan ang mga likas na yaman sa ARMM at kung papaanong makakaambag ang DENR para mas mapabuti pa ito.

Para naman kay Gov. Hataman, ang lagdaan ng kasunduan kasama ang DENR ang kauna-unahan niyang proyekto kasama ang pambansang gobyerno.

“Typhoon Sendong struck exactly two days after I assumed office,” pahayag pa ni Hataman.

Anang gobernador, ang NGP ang gagawin niyang pangunahing programa upang tugunan ang usapin ng iligal na pagtotroso sa ARMM sapagkat maghahatag ito ng alternatibong kabuhayan sa mga residente sa mga komunidad sa kagubatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply