Registrar of Deeds ng Quezon City tumestigo rin

ISINALANG na rin bilang ika-apat na testigo si Atty. Alcantra mula sa Register of Deeds para tumestigo sa mga ari-ariang nakarehistro sa pamilya ni Chief Justice Renato Corona sa Quezon City.

Kaninang hapon ay nauna nang iprinisinta ni Atty. Randy Rutaquio ng Taguig City Register of Deeds ang condo certificate of title at deed of sale ng pag-aaring condominium unit ni Corona sa Taguig City.

Ayon sa mga dokumentong iniharap ni Rutaquio, ang condo unit ay nakapangalan sa misis ni Chief Justice Corona na si Christina na ibinenta ng Fort Bonifacio Development Corporation.

Bukod dito, may apat pang condo certificate of title ang iprinisinta na pag-aari rin ni Corona bagama’t una nang idineklara ng punong mahistrado na dalawa lang ang condo units na pag-aari nito sa Taguig.

Samantala, naniniwala naman si dating Justice Serafin Cuevas mula sa panig ng depensa na hindi na kailangan pang igisa ni Rep. Elpidio Barzaga si Atty. Randy Rutaquio ng Taguig City Register of Deeds.

Ito ay dahil sa paniniwala ni Cuevas na sapat na ang mga hawak na dokumento ni Rutaquio para malinawan ang isyu ng ari-arian ni Chief Justice Renato Corona.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply