Registrar of Deeds ng Taguig dinikdik si Corona

NADIKDIK nang husto si Chief Justice Renato Corona sa impeachment court matapos pormal nang tumestigo ang Registrar of Deeds ng Taguig City kanina upang patotohanan ang akusasyon na nagmamay-ari ito ng ilang condominium units sa naturang lungsod.

Kahit hindi handa ang House prosecution panel at may matinding pagtutol sa depensa na ilantad ni Atty. Randy Ortaquio ang Certificate of Condominium Title ng pamilya Corona sa impeachment court, pormal na isinumite ang kopya nito sa Senado.

Sa pangunguna ni Cavite Rep. Elpidio Barsaga, miyembro ng House prosecution panel na lilitis sa ikalawang Article of Impeachment, sinabi ni Ortaquio na dala niya mismo ang certified true copies ng CCT ni Corona, misis na si Cristina at anak na si Ma. Christina.

“Yes your honor, I have brought the photo copies of the CCTs, your honor,” Ortaquio tugon nito kay Barsaga sa impeachment court.

Nilinaw naman ni Barsaga na ipinatawag si Ortaquio sa pamamagitan ng ipinadalang subpoena sa Taguig na inaatasan ang opisyal na isumite sa impeachment court ang certified true copies ng CCT na binanggit sa Second Article of impeachment.

Dahil dito, pormal na isinumite ni Ortaquio ang kopya ng CCT nina Corona, Cristina at Ma. Christina partikular ang  Certificate of Condominium Title (CCT) No 5582 in the name of Cristina Corona including the CCT Nos. 164-2010000062, 164-2010000063, 164-2010000064, 64-2010000065, 19497, 19651, 19652, 19653, 8777, 989, , sa pangalan ng mag-asawang  Cristina Corona at Renato Corona at CCT No. 2093-P sa pangalan naman ni  Ma.. Christina R. Corona.

“We have certified copies of the CCT, original copies are no longer need because we are in computerized system under the Land Registration Office,” ayon kay Ortaquio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply