Regular pay ng mga bus driver naunsiyami

NAUNSYAMI ang inilatag na regular pay sa mga bus driver na naglalayong  maiwasan na ang madudugong aksidente sa kalsada.

Batay sa ulat, sa Pebrero na sana ipatutupad ang fixed salary scheme sa mga bus sa Metro Manila subalit kailangan pang plantsahin ng binuong technical working group ng Department of Labor and Employment (Dole) kung paano ang komputasyon ng pasuweldo sa mga driver.

Sa pamamagitan ng isang memorandum na ipinalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus operator, bibigyan na ng regular na suweldo na hindi bababa sa minimum wage ang mga bus driver bukod pa sa regular na mga benepisyo at performance pay.

Sinabi naman ng LTFRB na uunahin muna nila ang mga bus sa Metro Manila at saka isusunod ang mga provincial buses na target nilang maipatupad sa buong Pilipinas sa Hulyo 30. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply