Rehabilitasyon ng riles ng LRT1 sisimulan sa Marso

SA DARATING na Marso ay sisimulan na ang rehabilitasyon ng 23-kilometrong riles ng tren ng Light Rail Transit line 1.

Sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesman Atty. Hernando Cabrera na nakapaghain na rin ng bidding document ang anim na lokal at banyagang kompaya, sa pag-asang makuha ang P381 milyon na proyekto na sumasakop sa 40 rail tracks na 30 taon nang nakababad sa operasyon.

Ayon kay Cabrera, tatagal ng tatlong taon ang proyekto na una munang isasagawa mula Abad Santos station patungong Baclaran.

Habang ang R. Papa station patungong Monumento naman ay posibleng maumpisahan bago matapos ang taong ito.

Tiniyak naman ni Cabrera na hindi maaapektuhan ang normal na operasyon ng LRT1 habang isinasagawa ang proyekto dahil sa gabi isasagawa ang pagpapalit ng riles nito.

Ang proyekto ay bahagi ng LRT Safety, Reliability and Capacity Improvement Program na nagkakahalaga ng mahigit sa P1 bilyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply