Reject ka ba?

NARANASAN mo na bang ma-reject?

Hindi tinanggap ang application mo sa trabaho.

Hindi ka nakapasa sa entrance examination.

Hindi pinansin ang kakayahan mo sa isang bagay na alam mo na mahusay ka. Kung ganoon, huwag kang susuko!

Si Chester Carlson na isang imbentor ay nakatanggap ng humigit kumulang na 20 rejections sa mga kompanya na inalok niya ang kanyang mga imbensyon.

Hanggang sa tinanggap ito ng Haloid company at mula noon ay naging milyonaryo siya.

Ang kanyang imbensyon – XEROX Machine.

Si Stephen King na noong dekada ‘70 ay isang pipitsuging manunulat at ni-reject ang una niyang nobela ng maraming beses hanggang sa isang publishing company ang sumugal sa kanya.

Ang nobelang  “Carrie” ay bumenta ng million at ginawang pelikula sa Hollywood.

Si Stephen King ngayon ay isang multi-millionaire at sikat na manunulat ng mga horror novel.

Isang kalbo, payat na mananayaw ang ni-reject ng Paramount Studios dahil nga sa kanyang itsura.

Nag-apply siya sa ibang studio at kinuha siya ng RKO studios.

Sumikat ang na-reject na kalbo at payat na mananayaw at nakilala siya sa buong mundo bilang Fred Astaire.

Isang music student ang sinabihan ng kanyang music teacher na “Hopeless” at “Walang pag-asa ang mga music composition ng batang ito.”

Ang bata na iyon ay naging batikang composer na makalipas ang napakaraming dekada ay kinikilala ang kanyang composition.

Ang pangalan ng bata ay Ludwig Van Beethoven.

Readers, na-reject ba kayo?

Huwag kayong susuko at malapit na ang inyong tagumpay!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply