Reklamo dumagsa sa balasubas na kompanya

HINDI pabor ang nakararaming empleyado mula sa private sector sa “condonation” program  ng Social Security System (SSS) dahil lumalakas ang loob ng mga employer na hindi mag-remit ng monthly contribution ng kanilang mga empleyado.

At dahil sa condonation program na ito ng SSS ay lalong dumami ang mga  kompanyang hindi naghuhulog ng kanilang monthly contribution gayung regular naman nilang binabawasan  ang kanilang mga empleyado.

Lubhang nababahala dito ang mga empleyado mula sa private sector dahil hindi ito ipinaliliwanag ng maigi sa kanila ng mga kinatawan ng kanilang mga tanggapan.

Magugulat na lang ang  mga empleyado kung bakit hindi sila maaaring mag-loan sa SSS gayong  regular naman silang  binabawasan ng kanilang mga employer.

At lalong  nagugulat ang mga empleyado kapag  sinabi na sa kanila ng mga taga-SSS na kaya hindi sila maaaring  mag-file ng salary loan sa kadahilanang hindi naghuhulog ng kanilang buwanang contribution ang   kanilang  employer ng kung ilang taon na.

Hindi maiiwasang isipin na posibleng ang perang kinakaltas ng kompanya sa  kanilang mga empleyado ay gamitin muna ng kanilang employer lalo na’t  medyo tagilid na  ang lagay ng kompanya.

Oo nga at babayaran din naman ng employer ang SSS pero malaking perwisyo ang ginagawa ng kompanya sa kanilang mga empleyado  dahil hindi magamit ng mga ito ang kanilang  mga benefits katulad ng salary loan.

Isa sa mga kompanyang  sinasamantala ang  condonation program ng SSS ay ang mga kompanyang nasa ilalim ng GLOBAL LINK at ilan sa mga ito ay ang  MD Infoman Solutions Inc.;  RCG Statelink Inc.; MANDATA Corp.; ES UNCA Corp.; DSI; DSI Manila at marami pang mga sister company.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply