Rep. Fariñas nag-walk out sa impeachment trial

DISKUNTENTO si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas sa itinatakbo ng pagtatanong ng mga senator-judge sa mga testigong inilalatag ng prosekusyon.

Sa kalagitnaan ng impeachment trial ngayong hapon ay biglang lumayas sa plenaryo si Fariñas dahil sa umano’y kagustuhan niyang magsalita subalit pinipigilan siya ng mga kasamahang mambabatas.

Sa kanyang paglabas ng plenaryo ay binanggit pa ni Fariñas sa kanyang mga kasamahan sa prosekusyon na “bahala na kayo diyan.”

Nakasaad naman sa Twitter account ng anak ni Fariñas na si Camille Mathay na: “Dad was disappointed because he wanted to argue but was stopped. He has been wanting to take the stand.”

“If you wont let him talk, why keep him there” Hay naku!!!! Kabilang pa sa tweet ni Mathay.

Subalit bumalik din si Fariñas sa session hall matapos itong magtungo sa palikuran.

Inamin naman ng tagapagsalita ng prosecution na si Marikina Rep. Miro Quimbo na hindi sila kuntento sa paraan ng pagtatanong ng mga senator-judges sa kanilang mga testigo kabilang na dito ang pagsalang sa witness stand ni BIR Commissioner Kim Henares.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply