Rep. Iggy Arroyo ‘brain dead’ — Atty. Mike Arroyo

NILINAW ngayon ni dating First Gentleman Mike Arroyo na “brain dead” at hindi pa idinideklarang patay ng mga doktor ang kanyang kapatid na si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo sa isang ospital sa London.

Ang paglilinaw ng dating unang ginoo ay matapos na una niyang pagkumpirma na namatay na ang kanyang kapatid habang ginagamot sa sakit sa atay, na base naman sa unang impormasyon na ipinarating sa kanya.

Ayon pa kay Atty. Mike Arroyo, nananatili pang nakakabit ang life support kay Rep. Iggy.

Sinabi rin niya na anumang oras mula ngayon ay magpapalabas ng opisyal na pahayag ang Pamilya Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply