Lagman nagbitiw na bilang minority leader

NAGBITIW na bilang minority leader ng Kamara de Representantes si Albay Rep. Edcel Lagman.

Bukod dito, tumiwalag na rin si Lagman sa Lakas-Kampi-CMD.

Ito ay sa gitna ng lumalalang iringan sa pagitan nila ni Deputy Minority Leader Danilo Suarez ng Quezon.

Nangangahulugan nito, na sa agawan nila sa posisyon bilang minority leader ay si Suarez ang nagwagi.

Tuluyan na ring iniwan ni Lagman ang pagiging oposisyon sa pagsasabing mananatili siyang indipendiyente, at ang kanyang posisyon bilang chairman ng Lakas-CMD.

Katuwiran ni Lagman, na mas minarapat niyang magbitiw kahit walang sapat na suporta si Suarez upang mapagbigyan si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“I likewise resign as Chairman and member of Lakas-CMD and as Vice President of the Centrist Democrats International (CDI), a worldwide organization of Christian and Muslim Democratic parties, of which Lakas-CMD is a member,” sinabi ni Lagman.

Aniya, matitigil na rin ang diumano’y sapilitang pagpapapirma ni Suarez ng suporta mula sa mga kasamahan sa minorya na siyang nagpapababa sa mga miyembro ng oposisyon.

Ito ay dahil mayroon aniyang mga miyembro ng oposisyon na pumirma ng suporta kay Lagman subalit pumirma din kay Suarez.

“I cannot continue serving a political aggrupation which deliberately refuses to recognize competent, militant and responsible leadership and would opt to follow blindly the importuning of former President Arroyo,” paliwanag pa ni Lagman.

Samantala, inamin ni Suarez sa telepono na wala siyang personal na impormasyon sa pagbibitiw ni Lagman at kanyang ikinagulat umano ang biglang pagbibitiw nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply