Rep. Suarez pormal na kinilala bilang minority leader

PORMAL nang umupo at kinilala sa plenaryo ng Kamara de Representantes si Quezon Rep. Danilo Suarez bilang bagong Minority Leader.

Ito ay matapos tanggapin ng liderato ng Kamara ang pagbibitiw ni Albay Rep. Edcel Lagman bilang minority leader at miyembro ng oposisyon.

Sa panayam kay Suarez, sinabi nitong malaking kawalan sa oposisyon si Lagman kung kaya nananatili ang kanyang apela dito na sana ay manatili sa minorya.

“I agreed that he is a big loss to us. I would like him to reconsider his position to be an independent and go back to the minority, he will always be welcome,” ayon kay Suarez.

Aminado si Suarez na nabigla siya sa pagbibitiw ni Lagman hindi lamang bilang minority leader kundi maging chairman ng Lakas-NUCD at bilang miyembro ng oposisyon sa Kamara.

Sa balitang may susunod pa kay Lagman na magbibitiw sa oposisyon, sinabi ni Suarez na: “I don’t know, I have my doubt.”

Kanina ay naglabas ng sama ng loob sa plenaryo si Lagman kung saan kinumpirma nito ang diumano’y pagmaniobra ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagluklok kay Suarez bilang kaniyang kapalit.

May nag-text umano sa kaniya na nagsasabing “Kakatapos lang ng meeting with GMA. Suarez is it. He’s got the numbers. 10 withdrew from Edcel. A manifesto of support will be signed tomorrow to be formalized in a minority caucus on the 15th with Edcel manifesting on the floor on the 16th that he is turning over the power to Suarez. The manifesto supersedes Edcel’s reso.”

Giit pa ni Lagman, na ang term-sharing na binabanggit ni Suarez na dapat igalang ay hindi naman aniya nila napag-usapan dahil napunta sa kanila ang minorya.

“The term-sharing being claimed by the Suarez camp is baseless and non-existent. The agreement was limited to a splitting of the term of the Speaker had I won as the then Lakas-Kampi candidate,” paliwanag pa ni Lagman.

Aniya kahit kailan ay iginalang niya ang mga term-sharing agreement kahit noong panahon pa nina dating House Speakers Jose de Venecia at Prospero Nograles.

“I always honor a commitment or agreement. But I should not be forced to comply with an imagined or contrived arrangement,” giit pa ni Lagman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply