Repatriation ng OFW galing Syria, may sapat na pondo

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may sapat na pondo para sa isinasagawang repatriation ng mga OFW mula sa Syria.

Dahil dito muling nanawagan ang Malakanyang sa mga overseas Filipino workers (OFW) na naiipit sa Syria na makipagtulungan sa pamahalaan at umuwi na ng Pilipinas.

Ayon sa ulat na nakalap ng pamahalaan, may ilan sa manggagawang Pinoy ang tumatangging umuwi sa nangangamba ang mga ito wala rin silang aabutang trabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may assistance na makukuha ang mga uuwing OFW mula sa Department of Labor and Employment (Dole) upang magamit habang naghahanap sila ng trabaho sa ibang bansa.

Tiniyak din ni Valte na hindi umano nagpapabaya ang pamahalaan at gumagawa na ng mga paraan upang magkaroon ng dagdag-trabaho ang mga mamamayan. Muling tiniyak ng Palasyo na handa ang gobyerno na iuwi nang ligtas ang mga OFW. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply