Repatriation sa OFWs sa Iraq ikakasa ng pamahalaan

IKAKASA ng pamahalaan ang repatriation para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Iraq.

Ang inilalatag na paglilikas sa mga manggagawang Pinoy ay isa sa mga option ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa harap ng muling  pagsiklab ng gulo sa naturang bansa.

Muling sumiklab ang kaguluhan sa Iraq kasunod ng pag pull-out ng tropa ng militar ng Amerika sa Iraq.

Sa ngayon, nasa Iraq  si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario upang makita ang kalagayan ng mga Pinoy doon.

Sa kasalukuyan, 4,000 ang mga Pinoy sa Iraq. Nabatid na ilan din sa mga ito ang nagsimula nang lumisan sa nasabing bansa.

Repatriation ikakasa ng DFA sa mga OFW sa Iraq

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply