Residente ng Brgy. Corazon de Jesus nagpalipas ng gabi sa kalsada

BALOT pa rin ng tensyon ang pagpapatuloy ng demolition sa San Juan na sinimulan kahapon na nagresulta ng pagkasugat ng 33 katao.

Ayon sa ulat ng dzBB, ilan sa mga residente ng Barangay Corozan de Jesus ang napilitang magpalipas ng gabi sa kalsada matapos magiba ang kanilang mga bahay.

Dahil sa nararamdaman pa ring tensyon sa lugar, binalaan na ng mga pulis ang mga mamamahayag sa pagpasok sa lugar dahil maaari silang atakihin ng ilang mga residente.

Nabatid na dinagdagan pa ang bilang ng mga pulis na nakatalaga roon.

Sa kabila nito, tuloy na ang klase sa San Juan National High School, kalapit na paaralan sa lugar, ngayong Huwebes kung saan nagkaroon ng suspensyon ng klase noong Miyerkules dahil sa nasabing tensyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply