Resulta ng fact-finding vs Gatdula, ipinalalabas ng Palasyo

IPINALALANTAD na ng palasyo ang resulta fact-finding investigation laban kay NBI Director Magtanggol Gatdula.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pa nila nababasa ang report ng komite kaya hindi pa maihayag ang sirkumstansya ng pagkakatanggal kay Gatdula sa puwesto.

Sa kabila nito, may basbas na rin si Pangulong Noynoy Aquino kay Justice Secretary Leila de Lima na palitan si Gatdula matapos masangkot sa kasong pagdukot at pangingikil.

Pero inihayag ni Valte na walang pagtutol ang Pangulo sa rekomendasyon ng fact-finding committee at suportado nila ang naging desisyon ni De Lima.

Samantala, tiniyak ni Valte na walang dapat ikabahala ang mga banyagang turista na pumupunta sa bansa kasunod ng pagkakasangkot ng mismong NBI Director sa krimeng pagdukot sa isang Japanese national.

Makakaasa pa rin ang mga foreigner ng proteksyon sa mga awtoridad.

Sa ngayon, wala pang napag-uusapan sa palasyo hinggil sa maaaring ipapalit kay Gatdula. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply