Resulta ng imbestigasyon sa Makati blast, iaanunsyo mamaya

NAKATAKDANG ilabas ngayong araw ng Makati police kung anong uri ng bomba ang sumabog kahapon sa Salcedo Village sa lungsod ng Makati.

Base sa ulat ni Supt. Jaime Santos, hepe ng Makati PNP, nagsagawa sila kagabi ng case conference upang pag-usapan ang nangyaring pagsabog at kung sino ang maaring nasa likod nito.

Hinihinalang pananakot lamang ang motibo ng pagpapasabog at walang balak maghasik ng lagim lalo’t walang nasaktan.

Kasalukuyan pa umano nilang binubuo ang mga fragments na naipon upang matukoy kung anong uri ng bomba ang ginamit at isasapubliko ito bago magtanghali ngayon.

Samantala bumuo na rin ng task force ang pulisya upang manguna sa imbestigasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply