Retoke vs make-up, sino ang panalo?: Jinkee nasobrahan sa retoke, Charice over sa make-up

TRENDING topic ngayon  sa iba’t ibang networking sites ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee dahil sa isang cover nito sa magazine na kung saan halos di na siya makilala. Lalo siyang gumanda at sumeksi. Tila somobra naman daw yata sa Photoshop ang mukha at katawan ng huli.

“Who the f*** is that?” Ito ang initial reaction ng friend naming blogger nang makita nito sa naturang magazine ang bagong retokeng face ni Mrs. Pacquiao. Hindi nya talaga ma-recognize kung sinetch itetch. Hahaha!

Meron namang curious at gustong-gusto ng makita nang personal si Jinkee. At ang mga tanong nila ay: Siya na ba ito sa tunay na buhay? Kung siya na nga ito, baka nagpa-plastic surgery siya? Makilala pa kaya siya ni Pacman?

Well, kung ‘yun nga namang Belo commercial ni Madam Jinkee ay para na siyang sinapian nang kung sino mang super model, doblehin mo itong bago niyang facelak at wankata, yummy! Hahahaha!

Kidding aside, ‘yung mga magazine na gumagawa ng ganitong klaseng pagretoke sa face ng endorser nila, parang gusto na namin tuloy tawagin silang…The Plastic-surgery Queen magazine! o kaya The Photoshop King magazine!

Let’s face it, kinuha nila ang isang artista o personalidad dahil sikat sila sa larangan nila at kilala sila sa pagmumukha nila, kaya gusto nilang ang mga ito ang mag-endorso ng kanilang babasahin, so, anong sentido-kumon meron sila para idaan pa nila sa matinding Photoshop reconstruction ang face ng mga ito? Waley ding silbi, di ba? Mabuti na lamang at nilalakihan nila ng todo ang pangalang nakasulat sa ibaba ng modelo nila dahil kung hindi, sayang lang ang ibinayad nila. Pero merong mga babasahin na hindi aware sa lay-out cover nila dahil sa multiple color at over decoration o over design ng artist kaya natatabunan na ang pangalan ng model. So, ang tanong tuloy ng friend naming blogger, “Who the h***is that!”

o0o

SI CHARICE Pempengco ay di masyadong madugo ang pagbabagong ginawa sa kamuks nito ng isang magazine sa kanilang January 2012 issue. Tingin namin sumobra lang sa make-up ang mukha niya. Pero ganun pa rin, mahirap din siyang makilala kung hindi mo makikita ang pangalan niya.

At least hindi masyadong violent ang reaction na nababasa namin sa kanya. Hindi katulad kay Jinkee na hitsurang gusto na siyang pagdebatehan sa Kongreso lumabas lamang ang katotohanan sa likod ng magic ng Photoshop. Hehehe!

Anyway, hindi naman pangit si Jinkee. Gusto lang siguro nitong maiba siya sa kanyang kakambal, na nagtagumpay naman siya.

At para naman kay Charice, patapyasan na rin kaya niya ang kanyang pisngi nang magmukha na rin siyang sexy.

o0o

Lucky 12 sa 2012

ISANG bonggang-bonggang pasabog ang handog ng Zirkoh Tomas Morato sa taon ng mga dragon.

Ang “The Lucky 12 sa 2012”, kung saan labing-dalawang komedyante ang maghahatid ng saya at swerte sa pagsalubong sa bagong taon sa pangunguna ni Allan K, Gladys “Chuchay” Guevarra, Carlo Aquino, Joseph Bitangcol…, Gerald Santos, Faith Cuneta, Luningning, Boosbsie, Arnel Tamayo, Romel Chika, Michelle Obombshell at Rufami. Kung gusto niyong tumawa ng tumawa, wag palalampasin ang show na ito, “Lucky 12 sa 2012” ngayong Sabado, Enero 7, 2012, sa ganap ng alas-11 ng gabi. Para sa tiket, tumawag lang sa Zirkoh Tomas Morato 376-7287 o SM Tickets 470-2222.

o0o

Erich at Enchong painit na nang painit

KINILALA kamakailan ang “Maria la del Barrio” ng isang local website bilang ‘Best Primetime Teleserye of 2011’ matapos nitong makuha ang 49.86% ng kabuuang online votes sa femalenetwork.com, kung saan tinalo nito ang humigit 20 teleserye mula sa iba’t ibang TV networks.

Samantala, painit na nang painit ang mga eksena sa pagpapatuloy ng kuwento nina Maria (Erich Gonzales) at Luis (Enchong Dee) lalo na ngayong lantad nang hindi sila magkapatid. Magawa pa kaya nilang pigilan ang silakbo ng kani-kanilang damdamin sa ngalan ng mga bago nilang buhay o mangingibabaw ang pagmamahalan nila sa isa’t isa?
Anong magaganap sakaling malaman nina Maria at Luis na matagal na nilang kasama ang nawawala nilang anak?

Huwag palampasin ang top-rating Primetime Bida teleseryeng “Maria la del Barrio,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Reputasyon” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com  o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply