Pork barrel ni Revilla pinakamalaki sa Senado

NAKAKUHA ng pinakamalaking pork barrel sa Mataas na Kapulungan si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. noong 2011.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), umabot sa P210 milyon ang natanggap ni Revilla.

Hindi naman ipinaliwanag kung bakit sumobra ng P10 milyon ang natanggap nito sa taunang P200 milyon na pork barrel ng mga senador.

Sa nasabing halaga, P115 milyon ang ginastos ni Revilla sa pagbili ng mahigit 500 multi-cab para sa Cavite na nagkakahalaga ng mahigit P200,000 bawat isa.

Samantala umabot naman sa P138 milyon ang nakuha ni Senador Manny Villar, habang tig-P100 milyon sina Senador Edgardo Angara, Jinggoy Estrada, Gregorio Honasan, Lito Lapid at Vicente Sotto III.

Nasa P18.6 milyon naman ang nakuha ng pinakabagong senador na si Koko Pimentel.

Hindi naman nagalaw ang pork barrel nina Senador Joker Arroyo, Panfilo Lacson at Sergio Osmeña III.

Hindi naman tumanggap ng pork barrel si dating senador Juan Miguel Zubiri noong nakaraang taon ngunit umabot sa P41.9 milyon ang natanggap niya noong 2010. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply