Revilla nanawagan sa kapartido sa Lakas

SA rami ng problemang kinakaharap ng bansa, nanawagan si Senador Ramon ”Bong” Revilla sa mga kapartido nito sa Lakas na maging bahagi ng solusyon para sa ikaaayos ng bansa.

Ito ang naging reaksyon ni Revilla sa patuloy na iringan na nagaganap sa loob ng partido na nagbibigay ng hindi magandang senyales para sa mga miyembro gayundin sa mga kababayang tumitingala bilang mga lider.

“Panahong nagkakahati-hati ang bansa dahil sa isyu ng impeachment, krisis sa ekonomiya at kawalan ng trabaho ng marami nating kababayan, nanawagan ako sa aking mga kapartido sa Lakas na maging bahagi ng solusyon para sa ikaaayos ng bansa. Ang patuloy na iringan sa loob ng partido ay hindi magandang senyales para sa mga miyembro at sa ating mga kababayang tumitingin sa atin bilang kanilang mga lider,” giit ni Revilla.

Kaya bilang pangulo ng Partido Lakas, hiniling ni Revilla sa mga kongresistang sangkot sa isyu ng liderato ng minorya na ayusin ang sigalot sa loob at wakasan na ang pagkakahati-hati.

Naniniwala si Revilla na mas tumitibay ang partido sa tulong ng magandang samahan at hindi dapat pahinain ng pag-aaway-away.

Umaasa si Revilla na maaayos din ang usapin sa pagitan nina Congressman Danny Suarez at Congressman Edcel Lagman na kapwa huwarang lider ng partido.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply