Revilla tinuligsa ang report ng DBM sa kanyang PDAF

TINULIGSA ngayon ni Senador Ramon Revilla, Jr., ang ulat ng Department of Budget and Management (DBM) sa website nito kahapon (Enero 3), kung saan nakasaad na umabot ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng P210 milyon.

Binigyang-diin ng senador, na taliwas sa DBM report, 23 multicab lang ang binili mula sa kanyang PDAF at ang kabuuang halaga nito ay hindi P115 milyon kundi P5 milyon.

“Mali ang report ng DBM. Walang acquisition ng 529 multicabs para sa Cavite. The report reflected that entry 23 times. Kaya yung 5 million, naging 115 million,” ani Revilla.

Iginiit ni Revilla na dapat na linawin ito ng DBM.

“Lumalabas tuloy na napalaki masyado ng PDAF ko kaysa sa aking mga kasamahan. Dapat nilang itama ito dahil lumalabas sa ulat na nadagdagan ito ng P110 milyon,” wika ni Revilla.

“They should be careful with releasing facts. Inaccuracy on sensitive information can damage people,” sabi pa ni Revilla.

Sa masusing pagsusuri ng PDAF appropriations ng senador, matutukoy na ang karamihan sa mga alokasyon (P45 milyon) ay napunta sa financial at medical assistance sa buong bansa at hindi sa pagbili ng patrol vehicles.

Ang ibang alokasyon naman ay para sa pagsasaayos ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply