‘Revolving door policy’ itutuloy ni Noynoy

IKINADISMAYA ni Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon ang pagbasura ni Pangulong Noynoy Aquino sa naipasang batas para sa fixed term ng Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Ani Biazon, dating senador at naging AFP chief of staff, kaya naharang na maging batas ang usapin dahil nais lamang ipagpatuloy ni Pangulong Aquino ang “revolving door policy” sa pagtatalaga sa pinuno ng AFP.

Ang sistema ng “revolving door policy’ ay pinuna noong panahon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kung saan sa loob ng siyam na taong panunungkulan ay umabot sa 13 mga chief o staff ang kanyang naitalaga.

Nilinaw naman ni Biazon na wala naman siyang hinanakit sa Pangulong Aquino na kanilang lider sa Liberal Party (LP) dahil naintindihan niyang may kapangyarihan ang presidente ng Pilipinas na pairalin ang kanyang veto power.

Dahil dito, magpapatuloy ang kanyang adbokasiya, kahit sa susunod na Kongreso.

Ang tatlong taong fixed term ng AFP chief ay layon sana na mabigyan ng sapat na panahon upang ipatupad ang kanyang mga programa at polisiya.

Giit ni Biazon sa sistema ng revolving door policy ay maikling panahon pa lamang o hindi pa nakakaikot ang AFP chief ay bago na naman ang AFP chief of staff.

Una rito, nagpaliwanag ang Pangulo Aquino na nilabag ng panukalang batas ang Article 16 Section 5 ng 1987 Constitution na nagbabawal sa extension o pagpapalawig sa serbisyo ng mga sundalo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply