Reward money sa Guarin slay nadagdagan pa

UMAABOT na sa kabuuang P61,250 ang reward money para sa makakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cris Guarin.

Ito ay matapos na madagdagan pa ang una nang ipinalabas na reward na P50,000 mula sa ilang indibidwal.

Inaasahan pang madagdagan ang reward money  matapos mangako si GenSan si Mayor Darlene Antonino Custudio na maglalabas ito ng dagdag na reward para na rin mapabilis ang paglutas sa kaso.

Kaugnay nito, kumikilos na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) upang mangalap ng impormasyon at mga ebidensysa upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpaslang kay Guarin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply