RFID hindi solusyon sa trapik, kolorum

IPINAGDIINAN ngayon ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na hindi solusyon sa problema sa trapiko  at mga nagkalat na colorum na sasakyan ang Radio Frequency Identification (RFID) tag na nais ipatupad ng isa pang transport group na 1-UTAK.

Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON naging manual painting lang ng gobyerno sa public utility vehicles (bus, jeeps, tourist at school bus, AUV at FX) ang RFID.

Iginiit ni San Mateo na ang tanging sagot sa problema sa traffic ay ang “honest-to-goodness at corrupt free” na implementasyon ng batas trapiko ng mga traffic enforcer sa buong bansa.

Ayon kay San Mateo, huwag na sanang buhayin pang muli ang RFID dahil nagdesisyon na ang Supreme Court (SC) at pinatigil na ito noong Enero 2010 dahil sa kawalan ng ligalidad.

Idiniin pa ni San Mateo na parehong “unnecessary” ang dalawang pakana at pabigat na dagdag gastusin lang sa mga (PUV) operator lalo na sa mga ordinaryong jeepney operator.

Matatandaan na nong buwan ng Agosto 2011, inanunsuyo ni Transportation and Communications Assistant Secretary at hepe ng Land Transportation Office (LTO) Virginia Torres na handa na ang ahensiya na i-refund sa mga may sasakyan na nakapagbayad ng RFID sa LTO.

Ayon sa record umabot sa P31 million ang nasingil ng LTO sa halos 90,000 registered owners na nag-renew na kanilang mga sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply