Rich Asuncion ‘di nag-workout para maging relationship ang friendship nila ni Ervic Vijandre

NAKALOLOKA ang pagtatapat sa amin ng talent manager na si Rams David na in spite of the fact na binigyan niya ng projects si Ken Chan na tulad ng Walang Tulugan, Tween Hearts at ngayo’y kasama sa bagong soap na Biritera sa role na band member ng The Bridge, bigla raw siyang naka-receive ng letter mula sa kanyang talent na bumibitaw na sa kanya bilang manager.

Ani Rams:“Di ko naman siya napabayaan. Laging may project siya. Bukod pa sa apat na commercials na naibigay ko sa kanya. Talagang nasaktan ako sa ginawa niya.”

Bukod pa rito, tinulungan pa ni Rams na makapasok sa Artist Center si Ken. Bilang manager ay siya lahat ang nag-arrange nito.

Kilala namin si Rams bilang matulungin na tao na may kababaan ang puso. Hilig niya talagang mag-manage kaya niya pinasok ang ganitong trabaho. Hindi lang niya trabaho ang pagta-talent, bagkus, una namin siyang nakilala bilang program manager ng mga programa ng isang network noon.

o0o

WALANG inaalala si Glaiza de Castro na matsi-tsismis siya sa bagong leading man na si Dennis Trillo sa bagong teevee soap na pinagtatambalan ng dalawa, ang Biritera. Kahit pa ang takbo ng kwento ng soap ay magkakagusto si Glaiza kay Dennis dahil hanga siya rito sa maraming bagay.

Ani Glaiza: “Naku, kahit pa magkaroon kami ng romansa sa istorya ng Biritera, tiyak di kami mati-tsismis kasi may Bianca (King) na siya, di ba?” masayang sagot ni Glaiza sa mga maiintrigang tanong namin sa presscon ng Biritera noong Friday night sa Studio 7 ng GMA7. May dapat naman kasi siyang ipagsaya dahil maganda ang mga plano ng network sa kanyang career.

“Inilalagay nila ako ngayon sa primetime. Masaya na ako roon lalo ngayong bida na naman ako sa Biritera. Binigyan nila ako ng big break noon sa Grazilda. Tagumpay naman. Tama lang ang paghihintay ko sa bagong project na ito dahil talaga namang napi-feel ko ang role ko. Musician ako, isang drummer ng banda. “Eh, sa totoo lang ay lover ako ng music. Marunong akong mag-gitara. Bukod sa kumakanta.”

“Dahil sa Biritera, kinailangan kong magkaroon ng crash lesson sa drumming. Nagustuhan ko naman. Balak ko ngang ipagpatuloy na ang pagtugtog sa drum. Masarap pala pakiramdam pag may natutuhan kang iba.

Simula ang Biritera sa February 6. Ang drama series ay idinidirek ng Munting Heredera director na si Maryo J. delos Reyes. Kasama rin sa cast sina Angelika dela Cruz, Yul Servo, Orlando Sol, Kiel Rodriguez, at ang batang si Roseanne bilang si Biritera.

o0o

INAMIN ni Rich Asuncion na di nag-workout para maging ganap na relationship ang napabalita noong sweetness nila ni Ervic Vijandre. One month ding lumigaw raw sa kanya ang binata at naging close friends silang dalawa. Pero di ito nag-bloom para maging silang dalawa ang mag-on.

Ani Rich: “Wala talaga, kaibigan lang kami, hanggang ganoon lang. Mabuti iyon, walang hassle. Kahit saan kami magpunta ay nagkukumustahan. Hanggang ngayon naman may communications kaming dalawa.”

Sa Biritera, first time na gaganap bilang tunay na villain si Rich at kabado siya sa hamon na ito ng kanyang career bilang aktres. Kaya panay ang hingi niya ng pointers kina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Angelika dela Cruz na pawang gumanap na sa mga villain roles.

Ani Rich: “Si Direk Maryo J. (delos Reyes) umaga pa lang ay tinatawagan na ako. Binibigyan na ako ng pointers. Tapos, pag may nagawa akong maganda at pasado sa kanya ang ginawa ko, pinupuri niya ako. Pero sa totoo lang, mahirap palang magtaray nang magtaray. Pero rewarding sa bandang huli. Aba! napapagalit mo ang tao. Hehehe!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply