Riding in tandem ipagbabawal na sa Maynila

ISA na namang hindi pinag-aralang panukala ang malapit na gawing ordinansa sa Maynila.

Ito ang aking napag-alaman sa iba’t ibang motorcyle groups na hind sang-ayon sa pagbawal ng pag-angkas o back rider sa motorsiklo.

Ano ba talaga ang gustong solusyonan ng lokal na pamahalaan ng Maynila? Traffic ba o krimen? Kung traffic ay walang kinalaman ang mga 2-wheel riders diyan. Mga jeep, illegal vendors at kuliglig ang gawan ninyo ng aksyon. Kung krimen naman ay lalong hindi solusyon ang pagbawal sa riding in tandem.  Ang trabaho, kakulangan, o kapabayaan ng pulisya ay hinding-hindi kailanman dapat isisi sa mga mamamayang nagmo-motor. Kaya siguro hindi na Manila’s Finest ang pangalan ng dating WPD na ngayo’y Manila Police District (MPD). Sa kakulangan nila ay kaming mga rider at aming mga pamilya ang maaapektuhan ng panukalang ito. Hindi po lahat ay kayang bumili ng sasakyang tatlo o apat ang gulong. Paano na lang ang mga naghahatid ng mga anak sa paaralan, ang mga mag-asawang sabay pumapasok sa trabaho, at libo pang iba?

Merong Land Transportation Office (LTO) Memorandum Order No. AES-2008-01 na may petsang Set. 30, 2008 na nagsasabing pwedeng mag-angkas ng isa (1) ang sinumang nagmamaneho ng motorsiklo. Kung sa bagay, dito talaga sa ‘Pinas kay dami ng batas pero ang implementasyon o pagpapatupad ang kulang.  Huwag na po tayo magdagdag ng batas.

Ang inyong lingkod ay sumulat na kay Manila Mayor Alfredo Lim noong Huwebes sa pamamagitan ng e-mail at naghihintay pa ng kanyang sagot hanggang sa kasalukuyan. Gusto ko ring umapela sa Presiding Officer ng Sangguniang Panglunsod na si Vice Mayor Isko Moreno at sa buong konseho ng Lungsod ng Maynila na kung pwede po ay suriin ulit itong panukalang ito na hindi makakatulong sa aming rider kundi’y makakaparalisa pa sa pang araw-araw na pangangailangan. Ang pagbawal sa riding in tandem ay hindi epektibong solusyon sa pagbaba o pagpigil ng krimen.

***

Sa parating na Valentines Day sa Pebrero 14 ang unang araw ng pagtalaga ng motorcycle lane sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue o EDSA. Ingat po mga rider!

Binabati ko ang Hardcore Brothers sa pangunguna ni Jimmy Barinaga sa kanilang paglunsad ng Royal Enfield motorcycles noong Huwebes sa Roadhouse Manila Bay sa Pasay City. Pwede niyong puntahan ang kanilang showroom sa Bagtikan St. Brgy. San Antonio, Makati City. Ang Hardcore Brothers ang exclusive distributor ng Royal Enfield dito sa Pilipinas.

Binabati ko rin ng Maligayang Kaarawan sila Francis Rivera ng Adventure Team Philippines, Vanessa Ejercito ng Pilipinas Shell, Dino Directo ng Manila Standard Today, Charmes Canillas ng Petron Corporation, at si Nathan Azarcon ng bandang Hijo.

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y mag-text sa 0918-4479006. Salamat po!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply