Rizal Park kasado na sa pagsalubong sa Chinese New Year

KASADO na ngayon ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) sa pagsalubong ng Chinese New Year o Year of the Water Dragon na gaganapin sa Rizal Park.

Ayon kay NPDC Executive Director Juliet Villegas, masasaksihan ng libre ang publiko ang iba’t ibang cultural show at free concert mula sa mga sikat ng singers at banda at magiging tampok sa pagdiriwang ang countdown kung saan makikita ang magarbo at makulay na fireworks display na tatagal ng hindi bababa sa 15 minuto.

Nagpaalala din si Villegas sa publiko na pupunta sa parke na maging responsable sa pagtatapon ng kani-kanilang mga kalat o basura.

Siniguro rin ni Villegas ang kaligtasan ng publiko.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Department of Tourism (DOT) sa pakikipagtulungan ng  Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industries Inc., (FFCCCI), Association of Filipino Chinese Volunteer Fire Brigades, Chinese Filipino Business Club at UniSilver Time.

“Itinuturing natin na ang selebrasyong ito ay isa sa pinakamalaki sa kasaysayan ng pagsalubong sa Chinese New Year. Kaya naman ang ating mga kababayan ay patuloy nating inaanyayahan dito sa ating Rizal Park upang nang sa ganun ay maging bahagi sila ng history na ating ginagawa rito. Ang celebration ng Chinese New Year dito sa Rizal Park na sinimulan natin noong 2011 is one of the many reasons why it’s more fun in the Philippines, kaya naman tara na sa Luneta at let’s have fun here,” ayon kay Villegas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply