RJ Bautista naghain ng not guilty plea

NAGHAIN na ng “not guilty” plea si Ramon Joseph “RJ” Bautista sa kinakaharap nitong kasong murder kaugnay sa pamamaslang sa kapatid na si Ramgen Bautista noong October 28, 2011.

Nabatid na sa ginanap na arraignment ngayong umaga sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274, mariing itinanggi ni RJ na may kaugnayan ito sa pagpatay sa kay Ramgen tangka namang pagpatay sa girlfriend ng kaniyang kuya na si Janelle Manahan.

Noong nakaraang lingo ay hindi natuloy ang preliminary investigation hinggil sa pagkakadawit naman ni Gail Bautista sa kasong pagpatay sa kapatid.

Ito’y matapos mag-inhibit si Fiscal Leah Roma sa kaso.

Sina Ramgen, RJ at Gail ay kapatid sa ama ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply