Robredo patungong Basilan para sa dinukot na Australyano

NAKATAKDANG magtutungo ng Basilan sa darating na linggo si Department of the Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo para alamin kung paano maililigtas ang Australyanong kidnap victim na si Warren Richard Rodwell.

Ito ay bunsod sa pag-amin ng Philippine National Police na may intelligence report sila nasagap na muling dinala sa Basilan si Rodwell.

Ayon kay Sr. Supt Alex Linesis,  hepe ng pulisya sa Basilan, bine-beripika nila itong mabuti habang patuloy ang paghahanap kay Rodwell.

Mababatid na noong Enero 7 ay napaulat na dinala sa Patikul, Sulu Si Rodwell mula Basilan.

Ibinunyag rin ng PNP na ang bandidong grupong Abu Sayyaf ang dumukot ar may hawak Kay Rodwell

Dinukot sa Zamboanga Sibugay si Rodwell noong Disyembre 2 kung kaya’t mahigit isang buwan nang bihag ng mga bandido ang Australyano. Anthony Vargas

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply