Rollback sa gasolina ipatutupad mamayang hatinggabi

MAGRO-ROLLBACK na ang ilang kompanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo mamayang hatinggabi (Enero 22).

Simula mamayang 12:01, magro-rollback ang Flying V ng 20 sentimos sa kada litro ng gasolina habang 80 sentimos naman sa kada litro ng diesel at kerosene.

Una nang nag-anunsyo ang Department of Energy (DOE) sa posibleng rollback sa papasok na linggo, sa gitna ng inaasahang pagbaba ng presyo ng diesel, dahil sa humupa na ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Gayunman, hindi pa rin nito inaalis ang posibilidad na tataas pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pabago-bagong sitwasyon sa pandaigdigang pamilihan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply