Rollback sa presyo ng langis ipatutupad mamayang hatinggabi

MAGPAPATUPAD ng rollback sa presyo ng langis mamayang hatinggabi (Enero 29).

Tatapyasan ng Easten Petroleum ng 90 sentimos ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel, 70 sentimos sa kada litro ng kerosene at 15 sentimos sa bawat litro ng gasolina.

Susundan naman ito na Seaoil, Pilipinas Shell at Petron sa katulad na halaga.

Bago maghatinggabi, magtatapyas rin ng presyo ng kanilang produkto ang Flying V, 25 sentimos sa kada litro ng AVgas, Rush, Thunder at leadfree gasoline.

Babawasan naman ng 40 sentimos ang kada litro ng regular gasoline at P1 sa bawat litro ng biodiesel at kerosene.

Muli, ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply