Rose namulaklak sa Washington

MATAPOS ang kahihiyang natamo ni star player Derrick Rose laban sa Miami Heat noong Lunes ay muli itong pinabango ang sarili.

Namulaklak si Rose ng 35 puntos, walong assists at tatlong blocks upang ilaglag ang Washington Wizards, 98-88 kanina sa naganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

“I just played my game—and that’s me being aggressive,” wika ni Rose.

Humalimuyak agad si reigning NBA MVP Rose sa unang kanto dahil umiskor agad ito ng 13 kung saan ay napaganda ng Bulls ang kanilang Eastern Conference record na 18-5 win-loss slate.

Umiskor na naman ng 15 puntos si Rose sa third period upang lumobo ang lamang ng Bulls sa 22.

“Usually in the third quarter, we tend to back off,” sabi pa ni Rose. “This game, we kept going, trying to make the game easy—and that’s how we got the win.”

Nagdagdag ng puntos sina Carlos Boozer at Kyle Korver ng tig 18 at 17 para sa Chicago ayon sa pagkakasunod.

“He comes out like it’s his will. He imposes his will on everybody,” saad ni Bulls head coach Tom Thibodeau.

Sa laban nila sa Heat sinablay ni Rose ang kanyang dalawang tira sa foul line sa dying seconds kung saan ay aabante sana sila sa score.

Isang 14 foot jumper pa ang sinayang ni Rose para sa posibleng all sa score at makahirit sana ng overtime period.

Samantala, sa ibang resulta, nagwagi ang Heat sa New Orleans Hornets, 109-95.

Nilista ng Heat ang ika-limang sunod na panal upang akyatin ang pangalwang posisyon sa Eastern Conference na may 16-5 panalo-talo karta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply