Rose sinapawan si Rubio

MAGANDA ang nilaro ni Minnesota Timberwolves bench player Ricky Rubio subalit binalewala ito ng 31 puntos ni Chicago Bulls star player Derrick Rose.

Sinuwag ng Bulls ang Timberwolves, 111-100 kanina sa naganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bukod sa 31 puntos ni reigning MVP Rose, kumamada rin siya ng 11 assists at dalawang rebounds habang ang karibal nito sa point guard position na si Rubio ay nagtala ng 13 points, 12 assists at tig-apat na boards at steals.

Nagpakitaan ng gilas ang dalawang ace guard sa huling tatlong quarter.

Sinuwag ni Rose ang 17 pts. sa 6-of-15 shooting kasama ang nine assists at three turnovers sa final 36 minutes habang si Rubio ay gumawa ng 11 points sa 5-for-10 shooting kabilang ang 12 assists, four steals at four turnovers.

“Rubio played a hell of a game,” sabi ni Rose.

“He’s great,” wika naman ni Rubio patungkol kay Rose. “It’s hard to defense him. Maybe he’s one of the best, if not the best, player I’ve ever played against. … It’s hard to guard him. He’s the fastest guy I ever played.”

Sa first canto, nadomina na ng Bulls ang laro kung saan ay nakalamang sila, 33-17 papasok sa pangalawang period.

“It happens a lot of times that we played and we are down and then it’s when we react,” pahayag ni Rubio. “If we want to win, we have to start from the beginning.”

Tumulong si Bulls forward Luol Deng ng 21 puntos, 11 rebounds at tatlong assists upang ilista ng Chicago ang tatlong sunod na panalo at manguna sa Central division ng Eastern Conference regular season na may 9-2 win-loss card.

Nakatuwang naman ni Rubio sa opensa sina Luke Ridnour at Kevin Love.

Samantala, sinilat ng Golden State Warriors ang Miami Heat, 111-106 habang sa ibang resulta ng laro ng NBA, kinuryente ng Oklahoma City Thunder ang Memphis Grizzlies, 100-95.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply