Rossana Roces nag-uwi ng bagets?

NANINIWALA kami sa source namin nang sabihin nitong pasaway raw si Rosanna Roces sa isang indie film na ginagawa niya. Umiikot daw ang mga puyo ng mga staff ng naturang movie dahil sa kaeklayan ni Osang. Kaya raw pala nalaos at wala ng ibig pang kumuha rito, ganyan daw pala siya kakulit.

Anyway, garampingat pa rin daw hanggang ngayon si Osang kahit daw may edad na, halata pa ring laging nagpapa-cute at nagpe-flirt sa mga bagets na kasama niya. Isa raw si Kerbie Zamora sa nahahalata nilang sine-seduce ni Osang.

True kaya?

Heto pa’ng kuwento sa amin ng source, minsan daw tinangay ni Osang si Kerbie pauwi. Isang teorya, baka raw naghanap lang talaga nang makakasabay. The other theory, posible raw inuwi ni Osang ang bagets na co-star. If that is indeed true, nadala talaga niya si Kerbie dahil may asim pa ang nalaos na sexy star.

“Hindi niya maialis na pagdudahan namin siya. Eversince naman, kilalang bagets killer si Osang, so baka naman tama ang duda namin, we just hope na hindi,” litanya pa ng kausap namin.

So there!

***

Oyo Boy Sotto pinagtritripang gold digger daw si Pauleen Luna?

BASE sa mga tweets ni Oyo Boy Sotto na kesyo may mga babaing malanding mukhang pera ek, may ilang nagdududang si Pauleen Luna ang pinatututsadahan niya. If that is the case, tila yata puwedeng sabihing hindi siya boto sa relasyon ng amang si Vic Sotto kay Pauleen Luna. So far, wala namang pag-amin sina Bossing Vic at Pauleen, but that is another point. Open secret namang silang dalawa na nga at dahil dito, we can infer na si Pauleen na nga ang binabalahura ng anak ni Bossing Vic.

Baka nga ito ang pinanggalingan kung bakit masyadong defensive ang kampo ni Pauleen, particularly, her mom, Mommy Chat, sa pagsabing wala silang hinihinging anuman kay Bossing. Na yung bahay na ipinagagawa ngayon ni Pauleen, galing daw yun sa mga ipon niya.

So there!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply