Rotonda sagot ng MMDA sa trapiko

PINAPLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagtatayo ng rotonda sa Metro Manila para masolusyonan ang mabagal na trapiko sa lansangan.

Ayon kay MMDA Chariman Francis Tolentino, gagayahin nila ang kanilang ginawa sa area ng Redemptorist Road at Roxas Boulevard sa Baclaran, Parañaque para hindi magkabuhul-buhol ang daloy ng sasakyan sa oras na hindi maging epektibo ang nakatalaga nitong traffic enforcers.

Unang lalagyan ng rotonda ng MMDA ang kahabaan ng Sauyo Road at Quirino Avenue patungo ng Novaliches na laging mabigat ang daloy ng trapiko.

Maliban sa Metro Manila, inirekomenda rin ni Tolentino na lagyan ng rotonda ang pinagyarihan ng malagim na aksidente sa Taytay, Rizal kung saan lima ang namatay sanhi ng pagbulusok ng truck na nawalan ng preno.

Aniya, kahit palusong ang naturang lugar, magiging mas ligtas umano ang mga motorista kung malalagyan ito ng rotonda dahil mapipigilan nito ang mabilis na pagpapatakbo ng mga tsuper. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply