Royal Enfield: Hardcore na, bullet proof pa!

DUMATING na sa Pilipinas ang itinuturing na pinakamantandang motorcycle brand sa mundo—ang Royal Enfield!

Matapos ang halos isang siglo ng pagma-manufacture ng mga dekalibreng motorsiklo, sa wakas ay nakarating na ng Pilipinas ang brand na Royal Enfield at isang grand launching ang isinagawa para rito noong nakaraang Huwebes sa The Roadhouse sa Manila Bay. Ang grand launching ay pinangunahan ni Ginoong Jimmy Barinaga ng Hardcore Brothers Motorcycle Customs Inc.,– ang official distributor ng Royal Enfield Motorcycles sa bansa. Kasama rin niya ang Plant Manager at Chief Mechanic ng Royal Enfield Philippines na si Bong Diaz at ang kanilang Finance Controller at Administration Officer na si Flerry de Leon.

Si Ginoong Barinaga ay bahagi ng tanyag na grupong Hardcore Brothers. Ang Hardcore Brothers ay isang grupo ng mga Royal Enfield riders na hindi lamang tanyag sa local na motorcycle community ngunit pati na rin sa nakararami dahil sa kanilang mga pinagbidahang TV at radio show— Hardcore Brothers Easyride na dati’y pinalabas sa Studio 23 at ang Hardcore Brothers Motorcycle Radio na dati’y mapakikinggan sa istasyo’ng NU 107.

Ilan sa mga pinagyayabang at halos hindi mapantayang mga feature ng Royal Enfield Motorcycles ay ang pagiging bullet-proof at rust proof nito. Gawa sa dekalibreng klase ng bakal ang mga ito kaya naman walang dapat alalahaning pangangalawang ang mga magmamay-ari ng 4-stroke, 500 cc motorcycles na ito.

Sinasabi ring matipid ang Royal Enfield bikes sa gasoline dahil sa kada 38 kilometrong itinatakbo nito, isang litro lamang ng gasolina ang nakokonsumo nito.

Maliban sa classic Royal Enfields bikes, makikita rin sa kanilang showroom sa Makati ang Royal Enfield Bullet Electra Deluxe EFI 500. Ang Hardcore Brothers Custom Motorcycles, Inc. showroom ay matatagpuan sa ground flort ng Dona Guadalupe Building sa Bagtikan St., Makati City.

***

TP-C NG TMP

MULA pa sa world debut nito sa 2012 North American International Auto Show, hindi nagpahuli ang Toyota Motors Philippines sa paglunsad ng isa sa pinaka-aabangang hybrid cars ngayong taon, ang Toyota 2012 Prius C!

Ang Prius C ay isang subcompact hybrid sedan na pinatatakbo ng dalawang klase ng makina: Ang 1.5L, 4-cylinder VVT-I Atkinson cycle engine at ang 520V electric motor. Ang kagandahan pa nito, ang electric battery ng sasakyan ay kusang  nagtsa-charge habang tumatakbo ang sasakyan sa pamamgitan ng regenerative braking system ng Prius.  Inilagay rin ng Toyota sa 131 horsepower Prius C ang kanilang trademark technology na Hybrid Synergy Drive (HSD)- nangangahulugan lamang na kaya nitong tumakbo ng 22.5 km/L nang hindi masyadong kumakain ng gasolina.

May apat na kahulugan ang C sa Toyota Prius: Compact, Clean, Clever at City— sa madaling salita, ang Toyota Prius C ay talagang dinisenyo para sa swabeng city driving, nang hindi gaanong nakapipinsala sa kapaligiran. Mapanlinlang din ang hitsura ng Prius; maliit man itong tignan sa labas, ngunit kasyang-kasya ang limang pasahero sa loob, may kasama pang mga gamit.

Ang 2012 Toyota Prius C ay nagkakahalaga ng P1, 475, 000 hanggang P1, 540, 000 at available sa mga susunod na kulay: Lime White Pearl, Silver Metallic, Gray Metallic, Extreme Black and Super Red. Other colors such as Blue Metallic, Freedom White, Aqua Mica Metallic at Mandarin Orange Mica Metallic.

Ang 1st generation Toyota Prius ay unang inilabas sa merkado noong 1997 at simula noon, isa na ito sa mga nangungunang Hybrid cars.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply