Ruling sa Drilon inhibition ilalabas ngayong araw

NGAYONG araw pagpapasyahan ng Senate Impeachment Court ang inihihirit ng Defense panel na mag-inhibit si Senator-judge Franklin Drilon dahil sa umano’y pagpanig nito sa Prosecution panel laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kailangang maglabas ng ruling ang impeachment court dahil sa kanila inihain ng kampo ni Corona ang kanilang mosyon.

Gayunman, ayon kay Senate President Juan Ponce-Enrile, na wala sa impeachment court ang hurisdiksyon sa hirit ng depensa dahil tanging ang senator-judge o s Drilon lamag ang magdedesisyon kung siya ay mag-i-inhibit sa kaso.

Paliwanag pa ni Enrile na wala ring kapangyarihan ang impeachment court na disiplinahin ang kanilang miyembro. Aniya, kung nais ireklamo ang isang senador ay dapat na idulog ito sa Senate ethics committee.

Noong isang linggo, matapos na ihain ng depensa ang motion for inhibiton ay iginiit ni Drilon na hindi siya mag-i-inhibit sa Corona trial dahil wala aniyang batayan ang akusasyon ng depensa na siya ay kumakampi sa prosekusyon.

Ani Drilon, ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin bilang senator-judge upang malaman ang buong katotohanan sa kaso ni Corona.

Kaugnay nito, nananalangin ang depensa na sana ay hindi sila personalin at pag-initan ni Drilon matapos ang pagpapa-inhibit nila dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply