Suspek sa Ramgen slay lumutang sa NBI

MABIBIGYAN na ng linaw kung sino ang tunay na mastermind sa pagpaslang kay Ramgen Revilla, sa paglutang sa punong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng isa sa umano’y missing link sa nabanggit na kaso.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang lumutang kaninang umaga ang isa sa suspek sa pagpatay kay Ramgen na si Ryan Pastera kasama ang kanyang abogado na si Atty. Cesar Batuigas sa tanggapan Special Investigation Division ng NBI.

Si Pastera ay matagal nang hinahanap na sinasabing ‘middle man’ sa usaping pagpaslang kay Ramgen.

Ayon kay Atty. Batuigas kusang-loob na sumuko ang kanyang kliyente para mabigyan linaw ang usapin at malinis ang kanyang pangalan.

Tumangging magpaunlak ng panayam si Pastera at nanatiling tikom ang bibig kaugnay sa kinasasangkutang usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply