Sa katutuwad sa men’s magazine: Dumarami ang offer kay Valerie para sa isang gabing kaligayahan

HINDI talaga patatalbog si Valerie Concepcion pagdating sa paseksihan. Hindi siya nagdadamot na ipakita ang kanyang alindog, huh! Heto’t pinag-uusapan nga sa iba’t ibang social network sites ang kanyang pagbubuyangyang na naman sa isang men’s magazine, ang Playboy Philippines magazine.

Alam naman natin kapag sinabing Playboy mags talagang daring ‘yan. Kaya nga ‘yung mhin na medyo may edad na at mahina-hina ang puso hindi puwedeng magbasa ng babasahing ito at baka matigok kapag nakakita nang nakatuwad, nakatihaya at nakabukaka. Hahaha!

Dito sa bagong pictorial ni Valerie for the said men’s mags ay ginawang lahat ng hot mama na ‘to ang mga posisyon na tiyak magpapainit sa mga maeelyang barako.

Pero hindi bago sa ganitong larangan ang Kapamilya star na ‘to na kasama sa upcoming fantaserye na “E-boy” na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN dahil naging pambalot, este, pabalat na rin siya ng mga pahina ng mga babasahing FHM at Maxim. Balitang mas dumami nga raw ang ‘offer’ kay Ms. Concepcion para sa isang gabing kaligayahan. Pero seryoso ang magandang dilag na itetch sa isang relasyon lamang.

o0o

Ryan, iuulat ang mga pangyayari sa Corona impeachment trial
Chinese New Year, bibida sa ‘Patrol ng Pilipino’

HINDI maikakaila ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa mga pampaswerte at pantaboy ng malas, partikular na ang sistemang feng shui ng mga Tsino na tinatangkilik ng mga Pilipino lalo na sa pagsisimula ng taon. Ngunit ano nga ba ang pinagmulan ng mga tradisyong ito?

Bukas (Martes, Jan 24) sa “Patrol ng Pilipino,” samahan si Gretchen Malalad sa pagbati ng ‘Kiong Hee Huat Tsai’ sa ating mga kababayang Tsino na nagdiwang ng Chinese New Year ngayon. Alamin ang kahulugan para sa kanila ng pagdiriwang nito, pati na ang mga tradisyunal na paraan mula sa preparasyon ng pagkain at salu-salo ng pamilya, mga paputok, ang dragon dance, at pagbisita sa templo.

Babalikan ni Gretchen ang kasaysayan at tutuklasin kung paano unti-unti nitong naimpluwensyahan ang kulturang Pilipino mula sa pagdating ng mga Tsinong mangangalakal sa bansa noong 982 AD hanggang sa pagtulak sa kanila ng mga Espanyol na mananakop sa Binondo.

Sa kabila naman ng pagdiriwang na ito, kasalukuyang umuusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona. Samahan si Ryan Chua sa kanyang pag-uulat sa mga pangyayari sa loob at labas ng Senado habang nagaganap ang makasaysayang paglilitis at tunghayan kung paano nga ba naghahanda ang mga kasama niyang mamamahayag sa pagbabalita nito.

Alamin ang kuwento sa likod ng mga balita ngayong Martes (Jan. 24) sa “Patrol ng Pilipino” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SKyCable Channel 26), 9:15 PM.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply