Sagabal ang knee injury sa pakikipagrelasyon

NAPUNTAHAN namin ang set ng “Kokak” kahapon at nakausap namin si JC Tiuseco na nagbalita sa amin na magtatapos na siya ng kolehiyo sa Marso.

Buhat nang pumasok si JC sa showbiz, hindi na naging tuluy-tuloy ang pag-aaral niya ng BS Management sa San Beda College pero pinagtiyagaan niya talaga na tapusin ito nang pahinay-hinay. Gusto niya ring magkatitulo sa kolehiyo. Kaya ngayong 23 years old na siya, maiuuwi na niya ang matagal na niyang inaasam na diploma sa kolehiyo.

Ani JC: “Kahit matagal ding taon ang ibinuno ko sa pag-aaral, at least fulfilling din na magma-martsa na ako sa graduation day namin.”

Sa pagsisikap ni JC na tapusin ang kolehiyo at pag-aartista, nag-suffer naman ang love life niya. Loveless raw siya ngayon. Hanggang paghanga lang daw siya sa mga babae ngayon tulad nang nadarama niya sa leading lady sa Kokak na si Sarah Lahbati.

Ani JC: “Bukod sa pag-aaral, pag-aartista, nakasagabal din sa akin para muling makipagrelasyon sa babae ang nangyaring inujury ko sa knee. Nagpa-opera ako, tapos, rehabilitation na naman ang magtatagal. Every other day akong pumupunta sa clinic para sa rehabilitation ko.”

By February, ite-test muli ang kanyang tuhod kung puwede na siyang tumakbo at maging normal na lahat ang kanyang gagawin activities. Sa ngayon ay bawal siyang tumakbo.

000

MAHUSAY nang mag-Tagalog ang Cebuana beauty titlist na si Muriel Orais, ang reigning Miss Philippines–Earth, 2nd runner up at Ms. Olive C Campus Image Model. Na-meet namin siya sa pre-pageant night ng Mr. and Ms. Olive C  2011-2012 na ginanap sa Paladium Clubhouse sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Nagkuwento si Muriel sa kanyang mga activities bilang Miss Philippines- Earth Water na puesto niyang natanggap bilang second runner up last year.

Di niya makalimutan na sa tagal ng kanyang pag-stay sa Manila, natuto na siyang magsalita ng straight Tagalog.

May malaking upcoming commercial siya na isang sikat na brand ng softdrink, bukod pa sa pagiging model niya ng Olive-C soap at Everbilena products.

Pero napahagikgik siya nang magkuwento na siya na dumami ang suitors niya nang siya’y maging beauty queen.

Kahit daw isang influential politician ay nagparamdam din sa kanya. Pero di raw siya interested ngayon na makipagrelasyon dahil sa nakatutok ang isip niya sa kanyang future career bilang model. Gusto rin niyang tapusin ang nursing course kung saan nasa third year na siya nang manalo siya ng Ms. Olive C Campus Image Model at sumali sa Miss Philippine Earth pageant.

Ani Muriel: “Bukod sa pagmu-model, gusto ko ring subukan ang pag-aartista. Nag-VTR na ako sa Star Magic.”

Bukas ng gabi, kokoronahan na ni Muriel ang papalit sa kanyang Ms. Olive C Imagel Model na gagawin sa Ynarez Arena sa may Shaw Blvd. Silang dalawa ng GMA-7 Tween star Hiro Magalona ang magku-korona ng winner. Si Hiro ang reigning Mr. Olive C Campus Image Model.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply