Sakit na dulot ng kawalan ng palikuran pinangangambahan

NANGANGAMBA ngayon si Senador Koko Pimentel sa mga sakit na maaring idulot sa mga evacuee na nasa evacuation center dahil sa kakulangan ng palikuran.

Ito ay makaraang aminin ni Pimentel na problema ng mga biktima sa mga evacuation center sa Cagayan de Oro City at Iligan City, at idinagdag na kung saan-saan na lamang dumudumi at umiihi ang mga evacuee.

Dahil dito, nananawagan ang senador sa sinumang good Samaritan na nais na magbigay o mag-donate ng portable toilets upang magkaroon ng sapat na palikuran sa mga evacuation center.

Nananawagan din si Pimentel sa mga may mabuting puso na magbibigay ng DNA analysis chemical na siyang gagamitin ng mga eksperto para sa madaling malaman ang pagkakakilanlan sa mga nasawing biktima na na-recover ng mga awtoridad matapos ang kalamidad.

Hiling din ni Pimentel sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na kanilang ibahagi ang mga nakalap na data of information sa mga interesadong grupo partikular na ang City health office ng Iligan City.

Gayundin, nanawagan din si Pimentel sa media na tulungan sila na ibahagi at palaganapin sa publiko ang mga rekomendasyon ng mga eksperto partikular na ang mga taga-UP system na tumulong sa kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply