SALN ng prosekusyon ilalantad na sa publiko

HANDA ang prosekusyon na ilantad sa publiko ang kanilang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) upang mapatunayan na hindi itinatago ng mga kongresista ang listahan ng kanilang mga ari-arian.

Kasunod ito ng bwelta ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa mga mambabatas na dapat rin nilang ilantad ang kanilang SALN dahil sa mga iregularidad.

Ayon sa tagapagsalita ng prosekusyon at Marikina Rep. Miro Quimbo, bawal ipagkait sa publiko ang SALN ng mga government officials kabilang ang sa mga kongresista at handa nilang ilantad ang mga detalye nito para patunayang wala silang itinatago.

Sinabi naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na matagal ng nakalagay at makikita lamang sa internet ang SALN ng mga kongresista.

Upang patunayan ng kawalan ng pagtatago, inilantad na ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang kaniyang SALN at ini-email ito sa mga mamamahayag kung saan nakasaad na ang kaniyang ari-arian hanggang noong 2010 ay nasa P91,000 lamang na nangangahulugang siya ang pangalawa sa pinakamahirap na kongresista at ang pinakamahirap ay si Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Ipinaliwanag naman ni House Secretary-General Marilyn Barua-Yap na bahagi ng direktiba ni House Speaker Feliciano Belmonte na buksan sa publiko at sa media para sa masusing pagsisiyasat ang SALN ng mga mambabatas. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply