SALN ni Chief Justice Renato Corona

Ang mga nilalaman ng 2002-2010 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na base sa kopya na isinumite sa Impeachment Court ni SC Clerk of Court Enriquetta Vidal.

***

2002 — Idineklara ni Chief Justice Corona ang kanyang yaman na umaabot sa halagang P14.96 million. Ang nabanggit na halaga ay binubuo ng P10.13-million na ari-arian at P4.83-million na sasakyan, cash at iba pang investments.

Nakasaad na ang lupain ng punong mahistrado sa Quezon City na nagkakahalaga ng P5.13 million ay idinonate sa kanya noong 1970; kasama ang bahay na nagkakahalaga ng P2 million sa QC, at isa pang pag-aaring lupain sa nabanggit na lungsod na nagkakahalaga ng P3 million na nabili noong 1992.

2003 — Bahagyang umangat ang kayamanan ni Corona na umano’y nasa P18.35 million bagamat sinabing may liabilities siyang nasa P11 million.

Tinukoy ni Corona ang kanyang condominium unit sa Quezon City na nagkakahalaga ng P921,080 at loteng nagkakahalaga ng P3 million sa Quezon City.

2004 — Idineklara pa rin ang naturang mga ari-arian at mayroong P11 million na liabilities.

2005 — Napanatili ni Corona ang kanyang kayamanan bagamat nasa P10 million na lamang ang liabilities nito.

2006 —  Bahagyang tumaas ang kanyang ari-arian na nasa P17.5 million habang nasa P8 million ang liabilities kung saan nasa P9.559 million ang kabuuang yaman niya.

2007 — Idineklara pa rin ang naturang kayamanan bagamat nasa P6.5 million na lang ang kanyang liabilities.

2008 — Napanatili ni Corona sa P17.559 million ang kanyang ari-arian habang nasa P5 million na lamang ang liabilities. May kabuuang P12.55 ang kanyang kayamanan.

2009 — Nasa P17.559 million pa rin ang halaga ng kanyang ari-arian habang bumaba pa sa P3 million ang liabilities. May kabuuang P14.559 million ang kanyang kayamanan.

2010 — Lumaki bigla ang kayamanan ni Corona sa P22.938 million, kung saan idineklara niya ang tatlong panibagong condominium units (Makati City– P1.210 million, dalawa sa Taguig City– P2.369 million at P6.8 million).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply