SALN ni CJ Corona bubusisiin ngayon

INAASAHAN na itutuloy ngayon ang pagbusisi sa nilalaman ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni prosecution spokesperson Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara na hindi na nila inaasahang pahaharapin pa si Supreme Court clerk of court Enriquetta Vidal matapos nitong isurender kahapon (Enero 18) ang SALN ni Corona.

Malabo na rin umanong tawagin pa ng impeachment court ang ikalawang testigong si Marianito Dimaandal, ang hepe ng Malacañang Records Office.

Sa halip, balak ng prosekusyon na iharap ngayong araw ang registrar of deeds at city assessor ng anim na lungsod kung saan naroroon umano ang mga lupain at condo unit ni Corona.

Inaasahan din na walong testigo ang ihaharap ngayong araw.

Inumpisahan na ang pagmamarka ng mga ipina-subpoenang dokumento kabilang na ang iprinisintang ebidensya ni Dimaandal kahapon o ang mga lumang SALN ni Corona.

Ang marking ng dokumento, na isinagawa sa session hall ng Senado kaninang umaga, ay isinarado sa media.

Magugunitang kahapon ay iniutos ng presiding judge na si Sen. Juan Ponce Enrile ang maagang pagmamarka ng mga dokumentong isusumite ng mga taong sinubpinahan para sa araw na ito upang mapadali ang impeachment hearing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply