SALN ni Corona bagong pasabog ng prosecution panel

MAY panibagong pasabog na naman ang 11-man panel of prosecution ng Kamara kaugnay sa iba pang kuwestiyunableng ari-arian ni Supreme Court (SC) Chief Justice Corona na umano’y hindi nito idineklara sa kanyang statements of assets and liabilities and network (SALN).

Binanggit ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., na siya ring chairman ng panel ang nakapaloob sa isang Certificate of Transfer na Bellago Condominuim na matatagpuan sa The Port sa Taguig na nagkakahalaga ng P14.5 milyon na binili ni Corona noong 2009.

Ayon kay Tupas na isa lamang umano ito sa apat pang mamahaling ari-arian ni Corona.

Kasabay nito, hinamon ni Tupas si Corona na ilabas ang SALN upang mapatunayan kung idineklara nito ang naturang condominuim sa kanyang SALN samantalang ang iba pang mga dokumento ng mga property ng Punong Mahistrado ay patuloy pang kinukumpleto ng prosekusyon.

Bukod sa mga dokumento ng ari-arian ay kinukumpleto na rin ng prosecution team ang mga testigo at iba pang dokumento na magdidiin kay Corona na “morally unfit” umano ito sa kanyang puwesto.

Kaugnay nito, umaasa rin ang prosecution panel na hindi ibabasura ng Senado ang reklamo nila laban kay Corona at hahayaan nilang madinig ng taumbayan ang panig ni Corona manalo o matalo man ang kanilang kaso.

Paliwanag nina Marikina Rep. Miro Quimbo at Aurora Rep. Sonny Angara, na win or loose ay maganda para sa bansa na mapanagot ang responsable at malalaman pa ng buong bansa ang proseso ng impeachment.

Samantala, itinalaga na rin si Pangasinan Rep. Marlene Agabas bilang pang-11 miyembro ng panel na isa ring abogado.

Si Agabas ang chairman ng committee on revision of laws kung saan naging practicing lawyer din umano ito nang matagal na panahon kaya’t makatutulong umano ang experience nito sa grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply