SALN ni Corona halos ‘di nagbago sa loob ng 10 taon

KINUMPIRMA ng prosecution panel na halos hindi nagbago ang nilalaman o ang halaga ng mga ari-arian ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona batay sa detalye ng kaniyang statement of assets liabilities and networth (SALN) na napasakamay na ng Senado.

Ayon sa tagapagsalita ng panel na si Marikina Rep. Miro Quimbo, mula noong 2002 hanggang 2009 hindi nagbago ang detalye ng SALN ni Corona at umaabot pa rin sa mahigit P14 milyon ang halaga ng mga ari-arian nito.

Bumaba pa nga raw ito noong 2009 dahil bumagsak ito sa P13.9 milyon.

Naitalaga si Corona sa Korte Suprema noong 2002 bilang mahistrado.

Batay sa obserbasyon ng prosecution panel lumilitaw na noong 2010 biglang lomobo ang assets ni Corona.

Duda ang prosecution panel na marami pang itinatagong assets si Corona na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P200 milyon.

Subalit bubusisiin pa ng prosekusyon ang naturang SALN na inilutang ng clerk of court ng Supreme Court na si Enriquetta Esguerra-Vidal kung kasama sa deklaradong yaman ni Corona ang kondominyom nito. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply