SALN ni Corona isapubliko – M’cañang

HINAMON ng Malakanyang si Chief Justice Renato Corona na magpakalalaki at isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na isa sa grounds ngayon ng kinakaharap na Articles of Impeachment.

“It is deeply regrettable that while it is so simple, and so easy, for officials to uphold the Constitution’s expectations that officials submit their SALNs to public inspection, there are still those who so fear and dislike our people that they would find ways to exempt themselves from public scrutiny and therefore, accountability,” ayon kay Sec. Lacierda.

Base sa isinumiteng SALN, alinsunod sa kahilingan ng ilang pribadong tao, si Sereno ay may kabuuang 2010 net assets na P17,762,167.26, habang si Carpio ay P47,269,928.

Matatandaang ibinunyag ni lead prosecutor Iloilo Rep. Niel Tupas ang sinasabing 300-square meter na penthouse ng mag-asawang Corona sa nasabing highly urbanized district sa Taguig.

Ayon kay Corona, ang naturang unit ay kanyang nabili sa halagang P14.51 million noong December 2009, noong associate justice pa lamang ang punong mahistrado.

Ang nabanggit na penthouse ay isa lamang sa apat na sinasabing ari-arian ni Corona.

“Since he is the Chief Justice and he is the respondent here, we challenge him to release his SALN,” ang pahayag pa ni Tupas.

Subalit, sinabi ni chief justice, ang nasabing ari-arian ay malinaw na nakasaad at naipaliwanag sa kanyang SALN noong 2010.

Binigyang diin nito na pawang espekulasyon din lamang ang nais ipahiwatig ng prosecution na hindi kaya ng sahod ng isang mahistrado ng kataas-taasang hukuman ang pagbili ng nabanggit na high-end property.

Samantala, pinuri ng Malakanyang ang ginawa nina Supreme Court (SC) Associate Justices Antonio Carpio at Ma. Lourdes Sereno na kusang-loob na inilabas ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang hakbang na ito nina Carpio at Sereno ay kapuri-puri o maituturing na “commendable to the highest degree.”

Ayon kay Lacierda, patunay lamang ito na kung walang itinatago ay walang dapat katakutan at wala ring mawawala kung umayon sa prinsipiyo ng transparency.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply