SALN ni Corona naglipana sa internet

DISMAYADO umano ang defense panel kasunod ng pagkalat sa internet ng kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Defense Counsel Jose Roy III, hindi ito dapat nangyari at hindi rin dapat makita sa internet ang SALN ni corona dahil ito ang pangunahing ebidensiya sa kinakaharap nitong impeachment complaint.

Nabatid na nakalagay din dito ang markings bilang exhibit sa nasabing SALN.

Matatandaang binalaan ni presiding officer at Senate President Juan Ponce-Enrile ang prosecution team na iwasan ang pagpapakita ng ebidensiya sa media laban kay Corona kung gagamitin ito sa kaso. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply