SALN ni Corona unang tatalakayin ng prosekusyon

ANUMANG sandal ay muling magre-resume ang impeachment court kung saan unang tatalakayin ang Article 2 o ang kabiguan ni Chief Justice Renato Corona na ilahad ang kaniyang statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Sa pagpapatuloy ng ikalawang araw ng impeachment hearing dalawang testigo ang ihaharap ng prosekusyon ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas na siya ring House panel head.

Hiniling na rin ng prosekusyon na ipatawag ang ilang opisyal ng Land Registration Authority (LRA), Registry of Deeds at clerk of court ng Korte Suprema na siyang may hawak sa SALN ng punong mahistrado.

Sa isang press conference dito sa Senado, sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo, spokesperson ng prosekusyon na kailangang ipasubpina ng impeachment court ang pamilya ni Corona upang maliwanagan ang ukol sa diumano’y 45 ari-arian na hindi naman idinekalara sa kaniyang SALN.

Sa anim na pahinang kahilingan sa impeachment court, kabilang sa ipinasubpina ng prosekusyon ay sina BIR Commissioner Kim Jacinto Henares, ang personnel officers ng Office of the President, OVP at SC Clerk of Court Atty. Enriqueta Esguerra-Vidal.

Ang Article 2 ay may kinalaman sa betrayal of public trust dahil sa hindi pagsasapubliko ng SALN ng punong ehekutibo.

Tiwala naman si House Deputy Speaker Erin Tañada na madidiin si Corona dahil matitibay ang mga hawak nilang ebidensya kabilang ang mga titulo ng lupa at kondominyum na pag-aari ng punong mahistrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply