Salpukan ng tricycle, eroplano pinabulaanan

PINABULAANAN ng Lingayen police ang napaulat ang naganap na salpukan ng isang tricycle at cessna plane sa runway ng Lingayen, Pangasinan.

Sa ulat ng Lingayen police nagpa-blotter lamang ang mga sakay ng Cessna 152 aircraft na kilalang si Queenie Gaviola na nasagi ng gulong ang bubungan ng isang tricycle habang pababa ang kanilang eroplano.

Nilinaw ni PO3 Amador Nazareno III, ang insidente ay naganap noon pang Enero 26 sa Barangay Libsong West, Lingayen.

Lulan ng eroplano si Gaviola, flight instructor ng Flight and Stimulator Incorporated sa Las Piñas City at pilot na si Joseph Valledor Jr. nang biglang dumaan sa runway ang tricyle at nasagi ang bubungan ng tricycle.

Dahil sa pangyayari, bahagyang napinsala ang horizontal stabilizer ng eroplano, wala naman umanong nasaktan sa insidente at tumakas ang driver ng tricycle.

Kinukuwestiyon ng flight instructor ang pangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kung bakit pinahihintulutang dumaan sa runway ang ibang sasakyang panglupa na isa sa panganib sa sasakyang panghimpapawid.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang tricycle driver para maimbestigahan kaugnay sa kaganapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply